Martes, Pebrero 21, 2017


 Setyembre: Buwan ng Agham, Inobasyon ng Agrikultura, Isinulong

Abad, Kristine Kate
Alarde, Bhert Angelo

Halina’t dagdagan ang iyong kaalaman!: “Tinatayang humigit kumulang bilyong neutrinos mula sa araw ang dumaraan sa iyong katawan habang binabasa mo itong pangungusap na ito… at kapag umabot ka naman sa puntong ito, ay nakalagpas na ito ng ating buwan”
     
STEM Club logo

         “Hindi ba’t mas masaya ang lawak ng agrikultura, kapag ito’y iningatan” excerpt mula sa isa sa mga kanta ng lumahok sa patimpalak ng paggawa ng music video. Tagos sa puso ang mensaheng nais iparating ng bawat kantang naipresenta at yun ay ang pag-aalaga at pagpapalawak sa sektor ng agrikultura sa ating bansa. Kung kaya’t, taon-taon sa buwan ng Setyembre ay ipinagdiriwang ngPitogo High School ang National Science Month. Ang naging tema ng science month ngayong taon 2016 ay pinamagatang “AGRINOVATE: Revolutionizing Outlook for Sustainable Growth” na naka-focus para ipaintindi sa mga kabataan ang kahalagahan ng sektor na nagbibigay ng pagkain sa ating hapag-kainan. Ito rin ay naglalayong buhayin muli ang interes ng mga kabataang Pilipino sa agrikultura at para na rin mabigyang kamalayan ang kasalukuyang kondisyon nito sa ating bansa.


DRRR Club logo
Ang mga piling mag-aaral ng STEM strand ay bumuo ng club para mailunsad ng maayos ang mga event na gaganapin sa science month. May dalawang club ang nabuo, ito ay ang STEM club (Science, Technology, Engineering and Mathematics club) na pinamahalaan ni Ms. Joan Lanuzga (Earth & Life Science senior high school teacher) at ang DRRR club (Disaster Readiness and Risk Reduction club) na pinamahalaan naman ni Mr. Jose Mari Fontanilla (Biology and Chemistry senior high school instructor).

Ribbon cutting
Ang makulay na buwan ng National Science Month ay sinalubong ng isang Opening Parade na nilahukan ng mga estudyante ng Senior High School sa lahat ng tracks. Bitbit ang mga kulay berde at kahel na lobo, ay sinuyod nila ang bawat palapag ng eskwela bitbit ang mensahe ng mismong pagdiriwang, at yun ay ang pangangalaga at pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura.

Contest Opening
Naghain ng limang patimpalak ang STEM at DRRR club na tiyak na hahasa sa isipan ng bawat lalahok. Ang mga patimpalak ay ang mga sumusunod: Poster Making Contest, Sci Spell, Trivia Quest, Science Quiz Bee at ang Music Video Making Contest.

          


Ang pinaghalong STEM at DRRR
club kasama ang ilang mga
mag-aaral ng iba't ibang track
mula Pitogo Senior High School
Sa kabuuan ay nagtapos ng matiwasay ang pagdiriwang ng National Science Month. Sa bawat patimpalak ay may manalo at mananaig; mayroon namang uuwing sawi o di kaya’y luhaan at nanghihinayang, ngunit ang mahalaga sa bawat pagdiriwang ay ang maitanim at masumamo sa isipan ng bawat isa, ang temang pinapatungkulan ng mismong pagdiriwang. Nawa’y tumatak sa ating isipan ang naging diwa, tema at esensiya ng nasabing pagdiriwang. Nawa’y namulat tayo sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura. Hindi lamang sa kadahilanang ito ang sektor na nagbibigay sa atin ng ating mga pangangailangan gaya ng pagkain bagkus, nakita natin ang mas malalim na kadahilanan kung bakit nararapat ingatan ang sektor na ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento