Ang
mga mag-aaral ng Pitogo Senior High School ay pumunta sa CLSU o mas kilala
bilang Central Luzon State University upang magsagawa ng Educational Tour noong
November 25, 2016.Bumungad sa mga magaaral ang magagandang tanawin. Katulad ng mga halaman na ka'y gandang pagmasdan at mga malalaking puno. Ang bawat bus ay may guro na namamahala sa kaayusan at kaligtasan ng mga mag-aaral at naging matagumpay naman ang layuning ito.
Unang nagtungo ang mga magaaral sa Aquaponics. Dito ipinakita kung paano ang ibat ibang paraan para makapagtanim at makapagpatubo ng isang maganda at malusog na halaman. Nagbigay din ng ilang impormasyon kung saan maaaring gumamit ng ibang pagtatamnan ng mga halaman.
Ang Ramon Magsaysay cares ay nagdedevelop ng mga organic
fertilizers upang mas lalong tumaba ang kanilang mga pananim na labis namang
kinamangha ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Mataas na Paaralan ng Pitogo
partikular sa Pitogo Senior High. Dito itinuro kung paano ang paggawa ng natural na pataba. At kung paano inaalagaan ang Night Crawlers.
Ang Huling tinungo ng mga mag-aaral ay sa CLSU ay ang HYDROPONICS. Ipinaliwanag at Ipinaintindi nila sa mga mag-aaral na ang Hydroponics ay ang paraan ng pagtatanim na gamit ay tubig lamang na masagana sa nutrisyon at sinabi din nila na ang uri ng pamamaraan ng pagtanim nito ay walang gamit na anumang lupa kundi tubig lamang.



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento