Huwebes, Pebrero 23, 2017

Intramurals 2016: Pitogo Senior High School

Intramurals 2016: Pitogo Senior High School

ni: Nico Andre S. Intia





Tuwing buwan ng Setyembre ay nagkakaroon ng kumpetisyon o palaro o sa madaling salita , nagkakaroon ng Intrams taon-taon sa Mataas na Paaralan ng Pitogo. Sa bawat taon kailangan natin paglaanan ang yugto ng pag-aaral. Magsusunog ng kilay, magsisipag at magpo-pokus sa pag-aaral. Pero paminsan-minsan kailangan nating magpalamig o magsaya.







Sa tuwing maglalaro ang isang tao, dito nila nilalabas ang pighati, pagod, at iba pa. Maraming nanunod at mga naeenganyo sa tuwing nakikita nila na may naglalaro sa basketball court o school grounds. Masaya ang lahat sa tuwing nagkakainitan o nakikita ng lahat na nagkakasayahan ang mga manlalaro o manunood.













Ang volleyball ay laro kung saan kailangang malakas ang iyong pangangatawan at mabilis ang reaksyon mo tuwing may laro. Ang larong ito ay kailangan din ng pagkakaisa at paguunawaan malampasan ang mga pagsubok.






Sa loob ng volleyball ay may tinatawag na team na kung saan dito naguumpisa ang kasayahan at ito ang halimbawa ng isang pamilya. Pagmamahalan sa isa’t isa at pagtutulungan para makuha o magkaroon ng kasiyahan. Ang volleyball ay isang laro  na magpapasaya sa lahat ng kalahok.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento