Pagpugay sa Kadakilaang Dalisay
Ni: Emmanuel Chris B. Sorio
Sabi
nga nila, ang taong hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay hindi
makapupunta sa kinaroroonan. Bilang pagtanaw sa nakaraan, ang Pitogo Senior
High School Faculty at ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng serye ng mga gawain na
pumapatungkol sa ‘National Heroes Day’.
Ngunit bago ko simulan ang aking blog tungkol dito
paano nga ba natin maituturing na bayani ang isang tao? Nang minsan natanong ko
ang sarili ko bago ako sumabak sa isang debate. May isa bang requirements?
Kailangan ba ng NBI Clearance o ‘di kaya Voters ID? Kailangan ba purong
Pilipino, walang halo ng KDRAMA at KPOP? Kailangan bang kayumanggi at hindi
dapat gumagamit ng KOJIC? Kailangan ba sumabak sa gera o nakikipag-away sa
inutangan? Kailangan ba nagtatrabaho sa ‘Edi sa Puso mo?’ sa Facebook at fan ka
ng umiiral na boy band group? Ano ba ang kailangan nang ma-qualify para maging
bayani? At mamaya ko yan sasagutin.

At heto naman ang isa pang grupo ng inampalan
na humatol naman sa mga debator. Sila yung nakinig nang mahusay at nagmanman
nang mabuti sa amin. Kumbaga, kakabahan ka
kapag kasali ka dito sa patimpalak na ito. Paano ba naman isa sa hurado ay ang Araling Panlipunan
Department head, may isang batikan sa larangan ng Economics, at ang isa naman
ay ang guro ng HUMSS sa anim na subject simula
noong 1st sem. Sino ba naming hindi kakabahan at mauutal
kapag sasabak ka na sa stage upang ibigay yung punto mo sa debate?
Sa
dalawang litrato na nasa taas, malaki
ang respeto naming sa mga taong nanduon. Paano ba naman nagawa nila kaming
pagpasensyahan sa kabila nang late na
kami pumasok at maging sa pagbasa? Hindi ibig ipakahulugan nito na masyado
silang maluwag. Bagkus, ang pinupunto ko ay ang pagiging bayani nila. Mahusay nilang
ginagampanan ang gawain ng isang guro. Nandiyaan sila para sa aming PSHS upang
kami’y gabayaan at tulungan upang umunlad bilang maging isa ring bayani sa
aming bayan. Sila yung nagtutulak sa amin upang magsumikap. Araw-araw, walang
kupas silang nakasubaybay sa amin.



Hindi
lamang puro sa silid ang interaksyon ng PSHS. Kami rin ay nagagawi sa AVR kung
may okasyon o patimapalak. Ibig iparating lamang nito ang intelekwal na
kakayahan ng PSHS bunga ng pagsasanay ng mga guro sa amin. Diba! Minomold kami
ng mga guro namin upang makipagsabayan at mahubog ang aming mga talento sa
ikauunlad ng bayang ito. Dahil naibigay ko na ang punto ko kung bakit ko
itinuturing na bayani ang mga guro. Panahon na siguro upang itanong ko ULIT sa
inyo, Paano mo nga ba masasabi na bayani ang isang tao?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento