Science Month
by: Julie Ann Cosico & Rafaela Melad
Tulad ng
ibang paaralan, Ipinagdiriwang din ng Pitogo Senior High School ang Science Month. Hindi maaari mawala ang
mga aktibidades na nakalinya para sa buwan ng Setyembre. “AGGRINOVATE:
Revolutionizing agricultural Outlook for Sustainable Growth” ang syang paksa ng
nagdaang buwan ng agham. Mayroong ibat-ibang gawain ang inihanda para sa mga
mag-aaral ng senior high. Una narito ang “Sci Spell” kung saan sinubok ang
bawat mag-aaaral sa mga terminong pangsiyensa; Pangalawa nagkaroon naman ng “Trivia
Quest”, na sumukat sa lalim at lawak ng kaalaman ng piling mag-aaral tungkol sa
siyensya; Pangatlo ang “Science Quiz Bee”, ang pagtatagisan ng mga
representante ng bawat seksyon na silang tinatangahal na science wizards; Pang
apat ay ang “Poster Making contest” ang pagpapamalas ng talento nng mga
mag-aaral sa pagguhit na may relasyon sa paksa; at panghuli ay ang “Music Video
Contest” kung saan ang bawat seksyon ay gumawa ng isang orihinal na likha ng
video na nakaangkla sa tema ng nasabing pagdiriwang. Kanya kanyang
pagpapasiklab ng talento, pagpapakitang-gilas, pagtatagisan ng talino ang
ipinakita ng mga magigiliw na mag-aaral mula sa bawat strand ng Pitogo SHS. Pinangunahan
ito ng Science at DRRR Club Officers sa patnubay ng kanilang tagapayo na sina
Joan Lanuzga at Jose Mari Fontanilla.
Maliban sa
mga aktibidades at patimpalak sa loob ng paaralan, mayroon ding nilahukan ang
mga natatanging mag-aaral na seminar na may paksang “What is your Chronotype” sa
Mind Museum, Taguig City. Ang nagging tagapagsalita doon ay ang isang Chronobiology
Professor na si Prof. Till Roenneberg of Ludwig-Maximilian University ng
Munich, German.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento