Tuwing buwan ng Setyembre idinadaos ang Buwan ng Agham. Ang DRRR Club ang namuno sa pag-oorganisa ng TRIVIA QUEST. Ang trivia quest ay isang paraan ng pagsukat ng kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa mga trivia. Pinamunuan ng tagapayo ng DRRR Club na si G. Jose Mari Fontanilla ang naturing na tagisan. Ang programa ay naganap noong ika- 19 ng Setyembre sa AVR ng Mataas ng Paaralan ng Pitogo sa ganap ng ika-1ng hapon.
Ang
pagplaplano ng programa ay sinimulan ng Presidente ng nasabing organisasyon. Sinumulan
ng president ng nasabing organisasyon ang pagbabahagi ng mga gawain sa kanyang
nasasakupan. Ang bawat nakatalagang lider ng nasabing programa ay inaasahang
maging responsable sa paggawa ng mga tanong, pag-ayos ng pagdadaluyan ng
programa at iba pa.
At sa huli, ang grupo ng mag-aaral mula sa STEM A na sina Rey Matthew James D. Volante, Emmanuel Chris B. Sorio at Julie Anne C. Cosiso ang tinanghal na panalo. Sa kabilang banda naman ay nagkaroon ng tie breaker sa pagitan ng STEM B at ABM A para malaman kung sino ang tatanghalin panalo para sa ikalawa puwesto. Ang grupo mula sa STEM B ang siyang hinirang na nagkamit ng ikalawang puwesto at ang mag-aaral mula sa ABM A ang nagkamit ng ikatlong puwesto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento