Lakbay-Aral
Hinding hindi mawawala sa ating buhay bilang mag-aaral ang Field Trip o mas kilala bilang lakbay-aral. Hindi ba’t kay saya maglakbay habang nag-aaral? Sa bawat lugar na inyong matutuklasan, sa bawat kaalaman na iyong matututunan, lakbay-aral ay siyang tunay na kinagigiliwan. Halina kayo sa Pitogo Senior High School (PSHS) kung saan ang iyong pagkatuto ay hindi lamang sa loob ng silid kung hindi pati rin sa labas ng paaralan.
Nitong nakalipas lamang
na taon, nagkaroon ng lakbay-aral ang iba’t-ibang strands ng senior high
students sa paaralan ng Pitogo. Halimbawa nito ay ang sa STEM strand kung saan
sila ay nagtungo sa Nueva Ecija upang matutunan ang pamamalakad ng CLSU sa
kanilang Kpaligiran gamit ang agham, pati narin sa kanilang mga produkto na
ginagamitan ng siyensya, halimbawa nito ay ang gatas ng kambing na galling sa
pinagsama-samang lahi ng kambing ( high Breed). Sumunod na pinuntahan ng
nasabing Field Trip ay ang Clark kung
saan matatagpuan ang isang pook na may iba’t ibang imitasyon ng mga sikat na
lugar sa Pilipinas na kinikilala ng maraming tao sa iba’t ibang parte ng mundo.
Anu pa ang inyong
hinihintay, halina’t mag Senior high sa Pitogo, Libre na, Kalidad pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento