Field
Trip ng Pitogo SHS
Ang
Central Luzon State University ay isa sa mga pinuntahan ng mga mag-aaral ng
Pitogo Senior High School sa kanilang field
trip. Ang Central Luzon State University o CLSU ay isang unibersidad na
nagpapalaganap ng kaalaman sa agrikultura. Isa sa mga bumungad sa mga
estudyante ay ang mga naggagandahang mga bulaklak rito.
Nagtungo
ang mga mag-aaral sa Organic Farming
Training Center ng CLSU kung saan ipinapakita ang natural na paggawa ng mga
pataba, kung paano inaalagaan ang mga African
Nightcrawlers, at ang pagbubungkal ng lupa. Ipinaranas pa nga sa ibang
mag-aaral kung paano ito gawin.
Sunod
namang tinungo ng mga mag-aaral ang Goat
Farm kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng mga kambing na inaalagaan
dito. Tinalakay dito ang tinatawag na breeding
na nagpapaliwanag ng kanilang paraan ng pagpaparami ng kambing at paraan
upang mapabilis ang paggagatas sa mga ito. Sinasabing ang mga kambing na may halong
ibang lahi ay mas malaki ang produksyon ng gatas kaysa sa mga lokal na mga
kambing.
Sa parteng ito,
maaaring pakainin ng mga mag-aaral ang mga kambing. Makikita rin dito ang iba
pang mga hayop tulad ng mga kalabaw, manok, tupa, at iba pa.
Huling pinuntahan ng
mga mag-aaral sa CLSU ay ang Hydroponics kung
saan makikita ang iba’t ibang natatangi at naggagandahang mga bulaklak na may
sari-saring mga kulay. Ibinida rin dito ang kakaibang paraan nila ng pagtatanim
ng mga halaman. Ipinaliwanag dito kung paano gumagana ang imbensyong ito.
Inilagay nila ang mga pananim sa isang maliit na lalagyan na dinadaluyan ng
tubig galing sa mga tubo na pinagpwestuhan ng mga ito. Sa pamamagitan ng
magkakarugtong na mga tubo, mabibigyan na ng sapat na tubig ang mga pananim sa
isang pagdaloy ng tubig lamang. Ito raw ay maaaring gawin kahit sa bahay
lamang. Maaari itong pagtamnan ng mga gulay tulad ng repolyo. Malaking tulong
ito sa produksyon ng gulay, ngayong maaari ng magtanim kahit nasa urban na
lugar.
Huling
destinasyon ng mga mag-aaral ay ang Nayong Filipino. Dito naman, kulturang
Pilipino ang pinahahalagahan at iniingatan. Ipinakikita dito ang mayamang
kultura ng mga Pilipino, mga sinaunang kagamitan at kung paano ito ginamit.
Matatanaw rin dito
ang iba’t ibang replica ng mga sinaunang estruktura tulad ng simbahan, mga kubo
kung saan nanirahan ang mga katutubo at mga sikat na atraksyon sa Pilipinas.
Sa
parteng ito ng Nayong Filipino, makikita ang iba’t ibang disenyo ng mga Malong, kasuotan ng mga maharlika at mga
telang mano-manong nilapatan ng kakaiba at komplikadong mga disenyo at paraan
ng paggawa ng mga telang ito.
Makikita
rito ang iba’t ibang disenyo at hitsura ng mga sinaunang kasuotan na tanging
mga maharlika lamang ang maaaring magsuot. Ibinida rin dito ang maraming gamit
ng Malong tulad ng paggamit nito
bilang jacket, bag, kamiseta at iba
pa.
Ipinakilala naman sa
mga mag-aaral ang mga Ifugao na
namumuhay pa rin sa kultura ng ating mga ninuno. Ipinakita naman nila ang
kanilang mga kagamitan sa pangangaso, ang kanilang mga sariling gawang
kagamitan sa pangaraw-araw tulad ng upuan, lamesa,
at iba pa. Lahat ng ito ay gawa sa kahoy at ginamitan ng sinaunang kagamitan sa
pag-uukit. Kanila ring ipinakita ang kanilang katutubong sayaw.
Isa pang katutubong sayaw ang ipinakita ng
mga aeta. Ibinahagi rin nila ang
kanilang mga kagamitan sa pangangaso tulad ng pana at dart. Ipinakita rin nila ang kanilang katutubong sayaw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento