Ika-19
ng Agosto, 2016, sa Selebrasyon ng Buwan ng Wika, Ginanap ang patimpalak na Tagisan ng Talento ng mga Lakan at
Lakambini 2016. Sinimulan ito ng Panalangin at Pambansang Awit. Sumunod naman
ang Pambungad na Pananalita na pinangunahan ni G. Ariel S. Tianes. Ipinakilala
naman ni G. Reggie U. Elardo ang mga hurado. Ibinigay naman ang mga
Panununtunan ng Patimpalak. At sinimulan na ang Patimpalak, bawat pares ay
nagpakita ng kanya-kanyang talento, mayroong pagkanta, pagsayaw at iba pa. Ang
layunin ng patimpalak na ito ay linangin ang talento ng bawat pares at malaman
kung sino ang aani sa best in talent sa Lakan at Lakambini 2016. At ang
programa ay nagtapos sa pangwakas na pananalita, na pinangunahan ni G. Val P.
Olaguer.
-Katrina Loraine M. Astor & Gerald Cardinal
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento