PSHS Students: Tagalinang ng Siyensyang Pilipino
Noong 2002, pumirma si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa
Proclamation 264 na nagtatalaga sa buwan ng Septyembre bilang "Science Month". Sa taong 2016, ipinagdiwang ang Buwan ng Siyensya na may temang
"AGRInovate: Revolutionizing Outlook for Sustainable Growth".
|
(Ribbon Cutting na pinamunuan ng mga guro) |
|
(Pagsalubong sa pagbubukas ng pagdiriwang) |
Hindi naman nagpahuli ang mga mag-aaral ng Pitogo Senior High School (PSHS) pagdating sa mga kaalamang pangsiyensya. Sila (mga mag-aaral) ay nagkaroon ng aktibong partisipasyon sa mga gawain at aktibidades na isinagawa sa paaralan upang malinang at mapalawak pa ang mga kalamang kanilang taglay, lalong lalo na ang mga mag-aaral na nasa strand ng Science, Technology, Enginering and Mathematics (STEM).
Sa pagdiriwang na ito, ibat-ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral ng PSHS. Una,ang
"Sci Spell" na sumubok sa bokabularyo ng mga mag-aaral pagdating sa mga terminolohiyang pangsiyesya. Nagkaroon rin ng
"Trivia Quest". Ito ay kumpetisyon kung saan ang mga mag-aaral ay binigyan ng isang katanungan tungkol sa mga kawili-wili ngunit hindi mahalagang mga katotohanan sa maraming paksa. Kung Labanan ng Utak naman ang pag-uusapan,
"Quiz Bee" ang naging batayan. Ito ay nahahati sa tatlong kategorya o bahagi: ang easy, average, at hard. Nagkaroon din ng
"Poster Making" na naka-angkla sa temang ginamit. ang gawaing ito ay nagpapakita ng pagkamasining at pagkamalikhan ng mga mag-aaral. At ang panghuling gawain, ang 'highlight' para sa buwan na iyon -ang paggawa ng
"Music Video" na naglalayong isulong ang Agrikulturang Pilipino. Sa pangkalahatan, kinilala ang pangkat ng STEM A bilang Over-all Champion.
Sa pagtatapos ng buwan na ito, tunay ngang napatunayan na mayaman ang mga Pilipino hindi lang sa Agrikultura kundi maging sa mga kaalamang pangsiyensya. Ayon sa
Philippine Society of Youth Science Clubs (PSYSC), ginunita natin ang buwan na ito buwang mas maisapusong ng mga kabataang Pilipino ang importansya at kahalagahan ng sektor ng Agrikultura. Ayon din sa organisasyong ito, ang temang ginamit sa taong ito (2016) ay naglalayon na pataasin ang kamalayan ng mga kabataang Pilipino sa mga sitwasyon na kasalukuyang kinakaharap ng ating bansa. May kinalaman rin ang temang ito sa
'Campaign Pledge' ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagnanais na dagdagan pa ang mga 'resources' sa Agrikultura lalong lalo sa rateng Mindanao.
|
(Logo ng DRR Club) |
|
(Logo ng STEM Club) |
Naging matagumpay nga ang pagdiriwang ng National Science Month na pinamunuan ng mga gurong dalubhasa sa siyensya at agham. Ito ay sa pagtutulungan ng dalawang 'Club'-ang STEM Club at ang DRR Club. Si Binibining Joan S. Lanuzga para sa STEM Club at si Ginoong Jose Mari Fontanilla para sa DRR Club. Lubos na pinagsikapan at pinaglaanan ng oras ang bawat gawain na inilaan para sa pagdiriwang na ito. Makikita ang simbolo ng pagtutulungan at pagmamalasakit ng mga guro at mag-aaral sa loob ng Pitogo Senir High School.
|
(Seminars) |