Biyernes, Pebrero 24, 2017

Grade 11: Selebrasyon ng Buwan ng Wika: Tagisan ng Talento ni Raine Astor & Gerald Cardinal

           
Ika-19 ng Agosto, 2016, sa Selebrasyon ng Buwan ng Wika, Ginanap ang patimpalak na Tagisan ng Talento ng mga Lakan at Lakambini 2016. Sinimulan ito ng Panalangin at Pambansang Awit. Sumunod naman ang Pambungad na Pananalita na pinangunahan ni G. Ariel S. Tianes. Ipinakilala naman ni G. Reggie U. Elardo ang mga hurado. Ibinigay naman ang mga Panununtunan ng Patimpalak. At sinimulan na ang Patimpalak, bawat pares ay nagpakita ng kanya-kanyang talento, mayroong pagkanta, pagsayaw at iba pa. Ang layunin ng patimpalak na ito ay linangin ang talento ng bawat pares at malaman kung sino ang aani sa best in talent sa Lakan at Lakambini 2016. At ang programa ay nagtapos sa pangwakas na pananalita, na pinangunahan ni G. Val P. Olaguer.

-Katrina Loraine M. Astor & Gerald Cardinal


Jarome Ching, Carl Eribal at Rafaela Melad Field Trip Blog 2016 Salamat po

Ang mga mag-aaral ng Pitogo Senior High School ay pumunta sa CLSU o mas kilala bilang Central Luzon State University upang magsagawa ng Educational Tour noong November 25, 2016.
Bumungad sa mga magaaral ang magagandang tanawin. Katulad ng mga halaman na ka'y gandang pagmasdan at mga malalaking puno. Ang bawat bus ay may guro na namamahala sa kaayusan at kaligtasan ng mga mag-aaral at naging matagumpay naman ang layuning ito.


Unang nagtungo ang mga magaaral sa Aquaponics. Dito ipinakita kung paano ang ibat ibang paraan para makapagtanim at makapagpatubo ng isang maganda at malusog na halaman. Nagbigay din ng ilang impormasyon kung saan maaaring gumamit ng ibang pagtatamnan ng mga halaman.



Ang Ramon Magsaysay cares ay nagdedevelop ng mga organic fertilizers upang mas lalong tumaba ang kanilang mga pananim na labis namang kinamangha ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Mataas na Paaralan ng Pitogo partikular sa Pitogo Senior High.  Dito itinuro kung paano ang paggawa ng natural na pataba. At kung paano inaalagaan ang Night Crawlers.
Naging masaya ang mga mag-aaral sa kadahilanang marami silang natutunan at natuklasan. Ang bawat mag-aaral ng STEM, ABM at HUMSS ay nagkaroon ng ideya sa mga bagay-bagay na nagaganap sa ating kapaligiran. Ang bawat bus ay may guro na namamahala sa kaayusan at kaligtasan ng mga mag-aaral at naging matagumpay naman ang layuning ito. Ang Educational Tour ng mga mag-aaral sa Pitogo ay naging tradisyon na at taon-taon ay nagsasagawa ng Fieldtrip at iba-iba ang destinasyong pinupuntahan. Masaya talagang maglakbay habang natututo, dahil tulad ng naranasan ng Pitogo Senior High School ay maraming nauwing alaala ang mga mag-aaral na maaari nilang ibahagi sa kanilang mga magulang at mga kamag-anak pati narin sakanilang mga kaibigan. Ang Educational Tour na ito ay nagdulot ng magandang epekto, sapagkat mas lalong tumibay ang pisi ng relasyon ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro. Natuto ang mga mag-aaral ng iba’t-ibang kultura at kaalaman, kaalamang magbibigay sa kanila ng ideya kung paano mamuhay ang iba’t-ibang tao. Masasabi kong masaya ang naging masaya ang Fieldtrip na ito dahil umuwi ang mga mag-aaral na may ngiti sakanilang mga muka at ligtas na nakauwi sa kani-kanilang mga tahanan.




Ang Huling tinungo ng mga mag-aaral ay sa CLSU ay ang HYDROPONICS. Ipinaliwanag at Ipinaintindi nila sa mga mag-aaral na ang  Hydroponics ay ang paraan ng pagtatanim na gamit ay tubig lamang na masagana sa nutrisyon at sinabi din nila na  ang uri ng pamamaraan ng pagtanim nito ay walang gamit na anumang lupa kundi tubig lamang.







Agosto 2016

Buwan ng Wika, Ginunita
Matthew Volante at Zhina ViƱas







       Bilang marubdob na pagdiriwang sa Buwan ng Wika na may temang "Wika ng Karunungan" sa taong ito, isinagawa ang iba’t– ibang patimpalak sa Paaralang Sekundarya ng Pitogo sa pangunguna ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAFIL) sa ilalim ng pamatnubay ni G. Reggie Elardo, gurong tagapayo. 

Humss B
     Talaga namang napakaganda at napakakulay ng ating wika lalong lalo na't ito ang naging pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Bilang pagpapakita ng pagmamahal natin sa sarili nating wika at patuloy na gamitin ito sa pagkamit ng tunay na karunungan para sa kabutihang panlahat, taon-taong ipinagdiriwang ang buwan ng wika tuwing Agosto sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga patimpalak.

Si Regenald Guarin at
Kirstine Duqueza

Itinanghal na Over-all Champion ang HUMSS B matapos hakutin ang ginto sa ilang patimpalak sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na sinundan ng STEM A at ikatlo ang ABM A. 

       

Isa sa mga pinakamahalagang patimpalak na isinagawa ng KAFIL ay ang Lakan at Lakambini 2016 na kung saan hinirang ang tambalang Regenald Guarin at Kirstine Duqueza na kapwa mula sa HUMSS B. 
Nasungkit din ng HUMSS B ang kampeonato sa Pista sa Nayon na kung saan nagawa nilang angkinin ang unang puwesto sa lasa ng pagkaing itinampok at atmospera ng booth.
Sa pagandahan ng interpretasyon naman ng awiting "Bagong Umagang Parating", nagawang angkinin ng "all-boys" mula sa STEM A ang unang puwesto na sinundan ng ABM A at HUMSS B. 

Ang mga opisyales ng KAFIL kasama
 si Prof. Enrile
Maliban sa mga patimpalak na talaga namang nagbigay kulay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, naglunsad din ng isang forum ang KAFIL na nagbigay ng dagdag kaalaman mula kay Prof. Aura Enrile. 

Hindi magiging makabuluhan ang pagdiriwang ng buwan ng wika kung ang tunay na aral na batid nito ay hindi isinasapuso at isinasabuhay. 

Huwebes, Pebrero 23, 2017

Science Month
by: Julie Ann Cosico & Rafaela Melad

Tulad ng ibang paaralan, Ipinagdiriwang din ng Pitogo Senior High School ang Science Month. Hindi maaari mawala ang mga aktibidades na nakalinya para sa buwan ng Setyembre. “AGGRINOVATE: Revolutionizing agricultural Outlook for Sustainable Growth” ang syang paksa ng nagdaang buwan ng agham. Mayroong ibat-ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral ng senior high. Una narito ang “Sci Spell” kung saan sinubok ang bawat mag-aaaral sa mga terminong pangsiyensa; Pangalawa nagkaroon naman ng “Trivia Quest”, na sumukat sa lalim at lawak ng kaalaman ng piling mag-aaral tungkol sa siyensya; Pangatlo ang “Science Quiz Bee”, ang pagtatagisan ng mga representante ng bawat seksyon na silang tinatangahal na science wizards; Pang apat ay ang “Poster Making contest” ang pagpapamalas ng talento nng mga mag-aaral sa pagguhit na may relasyon sa paksa; at panghuli ay ang “Music Video Contest” kung saan ang bawat seksyon ay gumawa ng isang orihinal na likha ng video na nakaangkla sa tema ng nasabing pagdiriwang. Kanya kanyang pagpapasiklab ng talento, pagpapakitang-gilas, pagtatagisan ng talino ang ipinakita ng mga magigiliw na mag-aaral mula sa bawat strand ng Pitogo SHS. Pinangunahan ito ng Science at DRRR Club Officers sa patnubay ng kanilang tagapayo na sina Joan Lanuzga at Jose Mari Fontanilla.
Maliban sa mga aktibidades at patimpalak sa loob ng paaralan, mayroon ding nilahukan ang mga natatanging mag-aaral na seminar na may paksang “What is your Chronotype” sa Mind Museum, Taguig City. Ang nagging tagapagsalita doon ay ang isang Chronobiology Professor na si Prof. Till Roenneberg of Ludwig-Maximilian University ng Munich, German.



Intramurals 2016: Pitogo Senior High School

Intramurals 2016: Pitogo Senior High School

ni: Nico Andre S. Intia





Tuwing buwan ng Setyembre ay nagkakaroon ng kumpetisyon o palaro o sa madaling salita , nagkakaroon ng Intrams taon-taon sa Mataas na Paaralan ng Pitogo. Sa bawat taon kailangan natin paglaanan ang yugto ng pag-aaral. Magsusunog ng kilay, magsisipag at magpo-pokus sa pag-aaral. Pero paminsan-minsan kailangan nating magpalamig o magsaya.







Sa tuwing maglalaro ang isang tao, dito nila nilalabas ang pighati, pagod, at iba pa. Maraming nanunod at mga naeenganyo sa tuwing nakikita nila na may naglalaro sa basketball court o school grounds. Masaya ang lahat sa tuwing nagkakainitan o nakikita ng lahat na nagkakasayahan ang mga manlalaro o manunood.













Ang volleyball ay laro kung saan kailangang malakas ang iyong pangangatawan at mabilis ang reaksyon mo tuwing may laro. Ang larong ito ay kailangan din ng pagkakaisa at paguunawaan malampasan ang mga pagsubok.






Sa loob ng volleyball ay may tinatawag na team na kung saan dito naguumpisa ang kasayahan at ito ang halimbawa ng isang pamilya. Pagmamahalan sa isa’t isa at pagtutulungan para makuha o magkaroon ng kasiyahan. Ang volleyball ay isang laro  na magpapasaya sa lahat ng kalahok.



Grade 11: Lakbay Aral

Lakbay-Aral

Hinding hindi mawawala sa ating buhay bilang mag-aaral ang Field Trip o mas kilala bilang lakbay-aral. Hindi ba’t kay saya maglakbay habang nag-aaral? Sa bawat lugar na inyong matutuklasan, sa bawat kaalaman na iyong matututunan, lakbay-aral ay siyang tunay na kinagigiliwan. Halina kayo sa Pitogo Senior High School (PSHS) kung saan ang iyong pagkatuto ay hindi lamang sa loob ng silid kung hindi pati rin sa labas ng paaralan.



Ang PHSH ( Pitogo Senior High School ) ay di tulad ng ibang public senior high school pagdating sa lakbay-aral. Dumadaan sa proseso ang bawat lahbay-aral na magaganap. Matapos maaprubahan ito’y paguusapan ng mga faculty supervisors upang mas maging epektibo sa pagkatuto ng mga  mag-aaral. Sa oras na mapili na ang mga destinasyon, ang mga magulang ay bibigyan alam ng mga guro patungkol sa nasabing Field Trip. Matapos ng lahat ng ito, ang mga mag-aaral ay bibigyan ng orientasyon at paalala upang mapanatili ang kaligtasan kasbay ng kaligayahan ng mga mag-aaral.


Nitong nakalipas lamang na taon, nagkaroon ng lakbay-aral ang iba’t-ibang strands ng senior high students sa paaralan ng Pitogo. Halimbawa nito ay ang sa STEM strand kung saan sila ay nagtungo sa Nueva Ecija upang matutunan ang pamamalakad ng CLSU sa kanilang Kpaligiran gamit ang agham, pati narin sa kanilang mga produkto na ginagamitan ng siyensya, halimbawa nito ay ang gatas ng kambing na galling sa pinagsama-samang lahi ng kambing ( high Breed). Sumunod na pinuntahan ng nasabing Field Trip ay ang Clark kung saan matatagpuan ang isang pook na may iba’t ibang imitasyon ng mga sikat na lugar sa Pilipinas na kinikilala ng maraming tao sa iba’t ibang parte ng mundo.


Anu pa ang inyong hinihintay, halina’t mag Senior high sa Pitogo, Libre na, Kalidad pa.




Miyerkules, Pebrero 22, 2017

Grade 11 : Science Month Celebration

Science Month Celebration

Eribal, Carl Angelo S.

Science is one of the most loved by the learners of Pitogo  High School. This the time they could explore their skills and capabilities in the midst of nowhere. They were able to create such amazing crafts and inventions where in all of it were  exhibited at the wall of fame of Pitogo High School.

 




The said event  was spearheaded of  course by the  coordinators of each  secondary  and senior high level. The visitors or rather  the critics of  Pitogo  High  School  were quite  impressed with all the activities  and  products  produced  by  the  great  students  who  represented the school Science Fair.


 PITOGO HIGH  SOAR  HIGH!